Hellow kaiponaryo! i just want to share my ipon challenge this year. I started mag ipon month of February and di pa po ako nakaka sali sa gropo na to. Month ng October o November ako nakasali sa gropo nato and thankful po ako kasi mas na inspired pa po ako mag ipon .
Story About my ipon challenge. Hilig ko na po talaga dati pa mag alkansya, i remember ng bata ako ang ginagawa kong alkansya is yong nilalagyan ng Polbos o kaya alcohol and pag naubos na ang laman non ginagawa ko siyang alkansya binubutasan ko siya, cycle din yong ginagawa ko nong bata ako, mag huhulog ako tas susungkitin ko lang din naman, hulog tas sungkit ulit (gusto ko lang i share na miss din kasi yong ganong ganap nong kabataan ko pa).
Thankful po ako kasi na i apply ko pa din ngayon! Pero mahirap po talaga mag ipon sa totoo lang, pero kong talagang pursigedo ka o gusto mo talaga maka pag ipon magagawa at magagawa mo siya, Need mo lang din po tiyaga at patience and syempre po para po sakin kailangan mo po ng “GOAL” kasi po pag gumawa ka ng goal mas mamomotivate ka po mag ipon, kasi bakit mo ginagawa yong bagay na yon, para saan ba yon?? May malaki ka pong reason bakit mo ginagawa ang pag iipon.
16, 346.00 po lahat ang naipon ko po ngayong taon di man po kalakihan pero ThankFul pa din po ako kasi may naipon po ako!! para po sakin malaking bagay na po yan sakin. First time ko pong maka ipon ng ganito and ang Goal ko po talaga sakin ng pag iipon is yong makapag open account ako ngayong taon and dagdag puhunan din po sa ginagawa kong negosyo kaysa naman po mangutang.
And naniniwala po ako na wala po sa kita ng sinasahod ng isang tao para lang makapag ipon ka maliit man o malaki ang sinasahod mo, Wala yan kong ikaw ay permanent ng nag tatrabaho o hindi, Kasi madaming pwedeng gawin para kumita ka/tayo, Although po ako nakakapasok lang po ako ng work pag may pondo pag wala wala rin po (tas probinsya rate pa) kaya raket po pag wala, kahit ano-ano tinitinda and sa pag titinda -tinda ko nang kong ano ano nakaka pag-ipon din po ako, kahit po barya barya lang kasi pag maipon madami din po siya.
Thankful po ako sa ELoading business kasi malaking tulong sakin kahit pa barya barya lang ang kitaan pag naipon madami naman po .
And mas na inspired pa po akong mag ipon nong nabasa ko po yong books ni Sir Chinkee tan. Subrang nakaka inspired po lahat ng books niya, kaya pag wala po akong ginagawa binasa ko siya, (Diary of A pulubi, My Ipon Diary, My Badyet Diary and My Utang-Free) and yong Chink+ Piso Planner) I love these Books! Dami kong natutunan sa books niya, very motivational.
And para po talaga makapag ipon ka/tayo kailangan mo pong gumawa ng tips! Yes po tips po! yan po yong ginawa ko po para makapag ipon, yong nabasa ko po sa books ni sir chinkee tan!
Very effective po siya para sakin and im sure po ako na ganon din po sa inyo! My first tips ko po na ginawa is yong pag didisiplina sa sarili, needs over wants You must be able to prioritize your needs over your wants,,bilhin lang yong talagang kailangan, labanan natin ang ating mga luho,kong di naman po talaga kailangan huwag munang bilhin gamitin mo na yong pera sa alam mong may magandang mapupuntahan o kaya pa ikutin po muna, yan po yong una kong ginawa. ‘!!
Share ko lang din po nong binuksan ko na alkansya ko
Subra saya ko nong bubuksan ko na yong alkansya ko yong ilang buwan kong pinag hirapan o hinantay para makita, subrang worth it ang pag titiis at pag aantay ko, para lang Pag ibig hahaha may naalala ako sa binasa ko sa isang books ni Sir Chinkee tan May tanong kasi doon! Bakit hindi dapat nagmamadali at naiinip sa ginagawang pag iipon?? Sagot ko ayy!! Hindi dapat nagmamadali at naiinip sa ginahawang pag-iipon kasi ang pag-iipon ay para rin niyang pag-ibig, kasi ang pag-iipon ay dapat pinagtitiisan at pinagsasakripisyuhan at hinihintay ang tamang panahon, para worth it!!
Hahah May Hugot!! !Ito talaga yong tumatak na tanong nong binasa ko yong book na My ipon Diary !! And yong maganda nong nag bukas ako ng alkansya ko ay nakita ako ni mama di maka paniwala si mama na may ipon ako, hanggang nong mga oras non tumitingin siya sakin habang nag bibilang tapos sabi ko sa kanya ma! Ipon ka din para sa next year sabay na tayo mag bubuksan tapos sabi niya Uo magsisimula na ako ipon kahit 20-50 pesos lang kuha ako everyday sa sari-sari store
Nakakatuwa lang kasi nakaka pag inspired ako ,yong sa simpleng ginagawa mo lang nakaka pag inspired ka ng tao. Thank You lord sa Blessing. Happy New Year Kaiponaryo!!
Sana po Lahat tayo maka pag ipon po!! Maliit man o Malaki
GODBLESSYOU ALL Kaiponaryo,
Anwellyn Reyes (certified Iponaryo)
Sobrang nakaka-inspire! I challenge you na kumasa sa Ipon Challenge. Kaya mo yan!
Gusto mo ba siyang tularan para makaipon? Tutulungan at iga-guide kita sa pamamagitan ng BEST SELLING BOOKS ko. Ito ang isa sa naging inspirasyon niya kaya niya unti-unting nakamit ang mga pangarap niya.
Good news! Naka-sale today ang 4 best-selling books ko P499 na lang. Pag bumili ka, may libre pa itong PISO PLANNER. So 5 libro ang makukuha mo! Sulit na sulit na ito dahil siksik ito sa kaalaman kung paano ka mag-iipon, magba-badyet at maging utang free!
If you want to order, click this link at ipapadala ko sa iyo ang 4 BEST SELLING BOOKS ko at may kasama pang FREE PISO PLANNER!:
MORE Iponaryo stories here:
Grabe and Tubo sa Gold Investment! | Iponaryo
Nagsimula sa wala, ngayon ay matagumpay na | Iponaryo
Good News Pilipinas is a Lasallian Scholarum Awardee. TELL US your good news story tips by messaging GoodNewsPilipinas.com on Facebook, Twitter, Instagram, or e-mail editor@goodnewspilipinas.com and WATCH Good News Pilipinas TV YouTube & Good News Pilipinas TikTok for more Filipino Pride stories!
The post Mahilig sa Alkansya | Iponaryo appeared first on Good News Pilipinas.
0 Comments